Search

About Us

We're from the Regional Science High School- IX. And also, we're teenage girls.

2/28/2013

A. Akdang Pampanitikan

-Unang Markahan Batang-bata ka pa Ang sundalong patpat Isang dosenang klase ng highschool student Sandaang damit Kung bakit umuulan Alamat ni Tungkung Langit Salamin Ang pintor Impeng Negro Ang ambahan ni Ambo - Ikalawang Markahan Nemo, ang batang papel Mabangis na lungsod Ang alamat ni Daragang Magayon Kay Mariang Makiling Ang mga duwende Trese Isyu 5 Mga kakaibang nilalang sa Filipinas Alamat ng Waling-Waling Mga alamat ni Jose Rizal Napagawi ako sa mababang paaralan Paglisan sa Tsina - Ikatlong Markahan Pimple Braces Gwapigs Sipi...

B. Output

Mga output ni Khadija Sarael : http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/search/label/Mga%20Output%20ni%20Khadija Mga output ni Indira Salih: http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/search/label/Mga%20Output%20ni%20Indi...

C. Learning Package

1st Quarter: http://baitang7.files.wordpress.com/2012/07/learning-package_baitang-7-unang-markahan-revised-051512.pdf 2nd Quarter: http://baitang7.files.wordpress.com/2012/07/learning-package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-1.pdf http://baitang7.files.wordpress.com/2012/07/learning-package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-2.pdf http://baitang7.files.wordpress.com/2012/07/learning-package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3.pdf 3rd Quarter: RAR FILE 4th Quarter: RAR FI...

"Brochure-FINAL" ni Khadija Sarael (3rd Quarter)

...

"Brochure-DRAFT" ni Khadija Sarael (3rd Quarter)

...

"Mga kilala sa Zamboanga" ni Khadija Sarael (3rd Quarter)

...

"Pagdrawing kay Bototoy" ni Khadija Sarael (3rd Quarter)

...

"Konsepto sa kalayaan" ni Khadija Sarael (3rd Quarter)

...

"Tula tungkol sa iyong dating paaralan" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Pagdrawing ng isang bahagi ng paaralan" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Sariling alamat ng iyong lugar" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Kwentong kababalaghan" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Importanteng bagay (pakunwaring ikaw)" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Paboritong bahagi ng kwento (Nemo...)" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Pagdrawing kay Nemo" ni Khadija Sarael (2nd Quarter)

...

"Bookmark" ni Khadija Sarael (1st Quarter)

...

"Simbolo ng pag-aaral" ni Khadija Sarael (1st Quarter)

...

"Kakaibang larawan" ni Khadija Sarael (1st Quarter)

...

"Ang mga pagbabago ko noon at ngayon" ni Khadija Sarael (1st Quarter)

...

"Kababalaghang Kwento" ni Indira Salih

Madaling araw, naglalakad ang dalawang mag-ina. Alas 2 ng madaling araw, naisipan na nilang mag-igib na. Sa layo ng iigiban nila, kailangan nilang magsakripisyo para may maipon silang tubig. Pag labas nila sa bahay, nauna yung nanay na buntis, habang sinasara ang gate. Paglabas nung bata, may narinig siyang bumagsak na sobrang laking puno. Kumalabog talaga siya na parang nagiba ang lupa. Paglingon ng bata, wala naman siyang nakitang bumagsak. Tumuloy na silang mag-igib hanggang sa pagdating nila sa bahay. Kinabukasan, ang nanay niya ay nakunan....

"Laptop" by Indira Salih

Ako ay isang mahalagang bagay para sa aking amo. Kaya nandito ako lagi para sa kanya. ang kanyang pangalan ay si Ira. Lagi ko siyang tinutulungan sa kanyang mga Takdang-Aralin. Pagdating niya bahay, lagi niya akong binubuksan para lang gawin ang mga ito. Pero, Hinde lang yun ang aking silbi. Ginagamit niya rin ako para makipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa "Facebook" at iba  pang mga Social Networking Sites. Nakikipagchat rin siya sa kanyang mga kamag-anak na nasa ibang bansa gamit ako. Kahit malayo man ang kanyang mahal sa buhay, nakakausap...

PAGLISAN SA TSINA ni Maningning Miclat

(1) Isinulat ko ang una kong tula “Isn’t It?” noong high school. Labing-isang taong gulang ako noon. Nakakatuwa iyon, ang saya ko. Nakasulat sa malayang taludturan, nakilala ko na mayroon pala akong indayog. Nang mabasa ng mga kaibigan ko, sinabi nila na walang katuturang tula daw iyon at tinawag ko nga na tula ng kawalang katuturan. (2) Katawa-tawa ang panahong kinalakhan ng henerasyon ko sa Tsina. Hindi naapektuhan ng Rebolusyong Pangkultura ang tadhana namin. Wala noong consumerismo na tutukso sa aming mga hangarin, ni hahamon na paninindigan...

NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN ni Lamberto E. Antonio

Napagawi ako sa mababang paaralan Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw, At dating kubeta ng ilang kababaryo Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo. Di na ito ang ilang tiwangwang na kuwartong may tapal Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners Ay tanaw na tanaw ng mga sabungerong naglalakad. Ngayon, may arko nang bakal at alambre ang geyt; May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t Basketbolkort na kainauukitan ng nagdudumilat na “Donated by Gov. Mokong delos Oros” at ng “Alay...

MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL- Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal

Pumapasok na nga noon sa lawa ang bapor at tunay na napakaringal ang tanawing tumambad sa kanilang paningin. Humanga ang lahat. Sa harap, nakalatag ang kaakitakit na lawa, naliligid ng luntiang pampangin at asul na bundok, kahawig ng isang napakalaking salamin na may kuwadrong esmeralda at sapiro upang masalaminan ng langit. Sa kanan, nakalatag ang mahabang pampangin, lumilikha ng mga look na may kaaya-ayang kurba. At doon sa malayo, may kalabuan ang kawit ng Sugnay. Sa dakong likuran ng harap, maharlikang nakatindig ang Makiling, mahirap limutin,...

ALAMAT NG WALING-WALING

Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan. Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil...

Mga Kakaibang Nilalang sa Filipinas

Diwata o Engkanto – nilalang na nagbabantay sa kalikasan at karaniwang may katawan ng tao. Sinasabing nang-aakit sila ng mga binata at dalaga upang gawin nilang asawa. Sirena at Siyokoy – mga nilalang na may katawan ng tao at buntot ng isda. Nakatira sila sa ilalim ng karagatan at nang-aakit sila ng mga mangingisda. Tiyanak o Impakto – sanggol na hindi nabinyagan at kumakain ng laman ng tao. Nagpapanggap silang inabandonang sanggol na umiiyak. Aswang – nilalang na nag-iibang anyo sa gabi at nag-aanyong tao sa umaga. Kumakain sila ng tao at maaaring...

TRESE

Pahina 1. CAP: “NAG-SHOOT SILA NGAYON NG HULING EKSENA. MINAMADALI NG MGA PRODUCER PARA SA FILMFEST.” GUERRERO: WELL, DAHIL DITO SA NANGYARI, TIYAK NA HAHATAW ITO SA TAKILYA. Pahina 2. GUERRERO: AT ITO BA ANG DRESSING ROOM NI MS. EVANGELISTA? TAPIA: OPO, SER. GUERRERO: (off panel) CHOCNUT? AKALA KO SINABI NG MANAGER NIYA NA NAGDIDIYETA SIYA NGAYON? TAPIA: (off panel) OPO, SER. GUERRERO: (off panel) NAKU. GUERRERO: TAPIA, PAKI-DOUBLE CHECK NGA SA CREW KUNG MAY NAWAWALANG BATA. MAY TSISMIS NA KUMALAT NA NANGANAK SIYA NOONG PUMUNTA SIYANG STATES...

ANG MGA DUWENDE Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito: “Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa...

KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar

Nagpaalam noon ang Nanay. Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta. Anong pook ang maaari niyang puntahan upang di na magbalik? Anong pook ang maaari niya? Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling. Inalala ang kuwento ng diwatang naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy. “Hindi na siya babalik,” sabi ni Tatay. Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok, at totoo, mas maganda itong tingnan sa malayo: hindi matitinag, b...

ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON

Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon. Naganap ito sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak. Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog—isang anak na babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso...

MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang...

NEMO, ANG BATANG PAPEL ni Rene O. Villanueva

1 Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. 2 Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. 3 Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng ratiles. Nang mapadpad...

ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan

Balisang nagising si Jack, malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon, umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay siya namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan. Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos patungong kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang. Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig...

IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat

BAKA makikipag-away ka na naman, Impen.” Tinig iyon ng kaniyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. “Hindi ho,” paungol niyang tugon. “Hindi ho...,” ginagad siya ng ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo’y lagi ka ngang mababasag-ulo.” May iba pang sinasabi ang kaniyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kaniyang tainga. Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang...

ANG PINTOR ni Jerry Gracio

Gumuhit siya ng ibon Lumipad ito palayo Gumuhit siya ng isda, Lumangoy ito sa hangin. Gumuhit siya ng bulaklak, Nagkalat ang halimuyak sa dilim. Iginuhit niya ang sarili, At inangkin siya ng kamba...

SALAMIN ni Assunta Cuyegkeng

Walang kurap siyang titingin sa akin, itong kakambal ko sa salamin. Pag-aaralan ang linya at pekas na unti-unti nang kumalat sa aking mukha pag-aaralan pati ang mata kong kape pala ang kulay, hindi itim. Walang kurap siyang magmamasid, pag-aaralan ang takbo ng aking dibdib na kung minsan, kumakabog, kung minsan, natutulog. Dito nagtatago ang aking mangingibig, ina at ama, anak, kapatid, ang init ng gising kong dugo, ang hininga ng Diyos na matiyagang nakikinig. Tatapatan niya ako, sisipatin mula paa hanggang ulo at ihaharap sa akin, walang retoke, ang...